PatrolPH

2 abandonadong barko na puro basura ang laman, nasunog sa Navotas

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 05:39 AM | Updated as of Mar 02 2021 07:00 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Dalawang abandonadong barko na nakadaong sa Navotas Fish Port ang nasunog nitong Lunes.

Ayon sa isang mangingisda na si Jay Laraya, pasado alas 5 ng hapon nang makita niyang umuusok ang isa sa mga cargo ship. Unti-unting lumakas ang usok sa loob kaya tumawag na ang mga tao ng bumbero.

Ayon sa Navotas BFP, nagmula ang apoy sa fender sa pagitan nung dalawang barko. Hindi pa alam ang sanhi nito, lalo't wala namang tao sa barko nang mangyari ito.

Nahirapan apulahin ng BFP ang apoy dahil kinailangan pa nilang lumusong sa tubig.

Nang maapula ang apoy, hindi rin sila agad nakababa dahil inintay pa nila mag low tide kaninang madaling araw.

Ang mga barko ay pag-aari umano ng BSJ Fishing and Trading.

Wala namang nasaktan sa insidente. Inaalam pa ang halaga ng pinsala.

Iniimbestigahan pa rin ng Navotas PNP ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.