Umano'y biktima ng summary execution, natagpuan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 09:54 PM

MAYNILA - Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa ilalim ng Tullahan River Bridge, California Village Quezon City nitong Sabado.

Nakabalot sa isang garbage bag ang katawan ng biktimang wala pang pagkakakilanlan. May tangkad siyang 5'3 at walang saplot.

Bloated na at nasa decomposing stage ang katawan.

Ayon kay Police Lt. Col. Rossel Cejas, hepe ng Novaliches Police, isang tanod ang nakakita sa bangkay at agad tumawag sa police station.

Nito lamang linggo, isang hinihinalang biktima rin ng summary execution ang natagpuan sa California Village.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.