Traffic enforcer patay nang matumba sa motor dahil sa lubid

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 10:27 PM | Updated as of Mar 02 2019 11:26 PM

DAVAO CITY - Patay ang isang traffic enforcer matapos matumba sa minamanehong motor sa Quezon Boulevard noong gabi ng Pebrero 24.

Nakilala ang biktima na si Welcar Cuba, 50 anyos.

Pauwi na si Cuba galing trabaho nang matumba ang motor dahil hindi nito napansin ang lubid na nakatali sa isang truck na hinihila ang isang sasakyan nang lumipat ito sa kabilang lane ng kalsada.

"Di niya napansin ito, bawal talaga ang paggamit ng lubid," ani Police Major Michael Uyanguren, station commander ng Sta. Ana Police.

Hindi na kinasuhan ang mga driver ng dalawang sasakyan matapos maareglo.

Mahigit 10 taon na sa serbisyo ang biktima bilang traffic enforcer sa City Traffic Transport and Management Office.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.