2 patay sa anti-drug ops sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 04:54 AM

MAYNILA - Patay ang 2 hinihinalang tulak sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bulacan sa magdamag.

Sa bayan ng Pandi, nanlaban umano sa mga pulis ang isang Brix nang magpositibo ang transaksiyon.

Nagpaputok umano ng baril ang suspek kaya't napilitang gumanti ang mga pulis. Nakatakas naman ang kasamahan ni Brix sakay ng motorsiklo.

Ayon sa Bulacan police, si Brix ang itinuturong supplier ng droga sa lugar.

Samantala, dead on the spot si Romarico Imperial sa operasyon sa San Jose del Monte City.

Pinaputukan umano ng suspek ang mga pulis nang aarestuhin na sana siya. Nakatakas din ang kaniyang kasamahan sakay ng motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang sumpak na umano'y ginamit ni Imperial na kabilang sa drugs watch list. - Ulat nina Arra Perez at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.