PatrolPH

2 menor de edad, timbog sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 04:57 AM

MAYNILA - Arestado ang 2 menor de edad sa buy-bust operation sa Kalayaan Ave., Quezon City.

Narekober sa mga suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa paunang ulat ng Quezon City Police District (QCPD), hinuli ang mga suspek na may edad 15 at 16 matapos mabilhan ng isang sachet ng shabu.

Itinurnover muna sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga suspek. Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.