MAYNILA - Nakabalik na sa bansa nitong Martes ng gabi ang Philippine 82-member search and rescue contingent mula Turkey.
Labing-apat na araw ang misyon ng grupo sa siyudad ng Adiyaman na lubos na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Ininspeksyon ng grupo ang 36 na gumuhong gusali, narekober ang anim na labi at nabigyan ng lunas ang higit isang libong pasyente.
Ang grupo ni SBMA Fire chief Ranny Magno ang nakahanap ng mga labi kabilang ang isang bata.
Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Asec. Raffy Alejandro, sasailam sa psychosocial debriefing ang grupo.
"They will undergo a debriefing session, io-organize natin yan.'Yung buong team magkaroon ng debriefing psychosocial intervention, and of course, sa pagbigay na rin ng pasasalamat sa kanila," ani Alejandro.
Malaking tulong din ang humanitarian mission experience ng Philippine contingent bilang paghahanda sa mga posibleng sakuna sa bansa.
Tinawag naman bayani ng Turkish government ang grupo.
"They have gone through a lot they have been to a very difficult place. They have been witnesses to great human suffering, so it was not easy but they worked tirelessly and they represented the Philippines in a very exemplary manner. They have saved lives, they brought hope to many people. So we are deeply grateful for the contribution of the Philippines," ani Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Akyol.
Nanawagan din ng karagdagang tulong ang Turkish government para makapagsimulang muli ang mga nawalan ng bahay.
Samantala, inihahanda na rin ng Department of Foreign Affairs ang pinansyal na ayuda na ipadadala sa mga Filipino naapektuhan din ng lindol sa Syria.
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.