Anumang oras Miyorkeles ng gabi ay maibaba na ang mga labi ng tatlong sakay ng bumagsak na eroplano sa Albay, ayon kay Camalig Mayor Carlos Baldo Jr.
Sa isinagawang press conference ngayong gabi, sinabi ni Baldo Jr. na matagumpay ang kanilang ginagawang retrieval operations.
Ang natitira namang isang labi ay maaring Huwebes ng umaga na maibaba.
Dagdag ng alkalde, hindi nila pinili kung sino ang uunahing ibaba at dumepende ito sa sitwasyon sa itaas sa kung sino ang pinakamadali na maibababa.
Mauuna umano ngayong gabi na maibaba ang labi ng dalawang Pilipino at ng isang Australyano.
Samantala, kapag naibaba na umano ang lahat ng labi at nai-turn over na ito sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay ite-terminate na ang retrieval operations.
Ngayon ang ika-12 na araw mula nang bumagsak ang Cessna 340A plane sa Camalig, Albay malapit sa crater ng bulkan Mayon.
- ulat ni Aireen Perol
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.