PatrolPH

Paalala ng IACT: Pagsabit sa jeep, pagtayo sa bus bawal pa rin kahit Alert Level 1

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2022 05:49 PM

Watch more on iWantTFC

Kasabay ng pagluluwag na dala ng Alert Level 1 sa Metro Manila, nagpaalala ang InterAgency Council for Traffic na bawal pa rin ang tayuan at sabitan sa mga pampasaherong sasakyan. 

Ayon kay I-ACT special operations unit commander Jose Manuel Bonnevie, wa-warningan lang muna ang mga mahuhuling tsuper na hindi sumusunod sa mga patakaran. 

Pero simula Biyernes ay magi-isyu na sila ng mga tiket. 

"Kung ilan ang bilang ng upuan natin sa ating mga buses at jeepneys, yun lang ang pasasakayan ng pasahero. Hindi pa pwede ang tayuan. Isuot natin palagi ang ating face mask," ani Bonnevie. 

Sa ilalim ng alert level 1, balik 100 porsiyento na ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan. 

Kasama ang Metro Manila sa 39 na lugar na inilagay sa Alert Level 1 kasabay ng pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa. 

Muling nagpaalala ang mga otoridad na bagaman nagluwag na ng quarantine status, kailangan pa ring sumunod sa mga safety protocols para sa kaligtasan ng lahat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.