TINGNAN: 4 bahay nasira ng nabuwal na puno sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 02:39 PM

Nasira ang ilang bahay sa M’lang, Cotabato province matapos tamaan ng nabuwal na malaking puno noong Pebrero 28, 2021. Retrato mula kay Ariel Tagnong

Apat na bahay ang nasira matapos tamaan ng nabuwal na malaking puno ng acacia sa bayan ng M’lang, Cotabato province nitong Linggo.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Ayon kay Ariel Tagnong, nabuwal ang tinatayang 50 taong gulang na puno sa Barangay Dalipe dahil sa naranasang malakas na pag-ulan at hangin.

“Apat na bahay at 6 na household ang naapektuhan, kasama ‘yong bahay namin,” ani Tagnong.

Pawang magkakamag-anak umano ang apektado.

Naipit din ng puno ang motorsiklo na nakaparada sa labas ng isang bahay.

Nakatakdang magpulong ngayong Lunes ang lokal na pamahalaan ng M’lang para pag-usapan ang pinsala at tulong na maaaring ipaabot sa mga naapektuhan.

– Ulat ni Maria Cecilia Butardo


RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.