Nasa P231-K halaga ng 'shabu', nasabat sa Pampanga at Zambales; 4 timbog

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 11:44 PM

Nasa P231,600 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa magkahiwalay na anti-narcotics operation sa Pampanga at Zambales nitong Linggo.

Ayon sa Police Regional Office 3, nasa 33 gramo ang bigat ng nasabat na kontrabando. 

Nahuli sa San Fernando, Pampanga ang tatlo sa mga suspek, kabilang ang isang nasa drugs watch list, at nahuli naman ang isa sa Subic, Zambales.

Kinasuhan na ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.