PatrolPH

Motorista nagulungan ng fire truck sa GenSan sa gitna ng motorcade

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 06:08 PM | Updated as of Mar 02 2021 08:52 AM

Motorista nagulungan ng fire truck sa GenSan sa gitna ng motorcade 1
Nauwi sa trahedya sa kalsada ang paglulunsad ng Fire Prevention Month sa General Santos City nitong Lunes ng umaga matapos magulungan ng fire truck ang isang motorista. Screengrab mula sa video ni Ed Gonzaga

GENERAL SANTOS CITY — Nauwi sa trahedya sa kalsada ang paglulunsad ng Fire Prevention Month sa lungsod na ito nitong Lunes ng umaga matapos magulungan ng fire truck ang isang motorista. 

Sa video ng fire brigade volunteer at miyembro ng GenSan Response Emergency Assistance Team na si Ed Gonzaga, kita ang motorcade kung saan kabilang ang isang fire truck. 

Maya-maya pa, isang motorsiklo ang nag-overtake mula sa kanan ng fire truck. 

Watch more on iWantTFC

Pagdating sa may tulay ng Puting Bato ay nadulas ang motorsiklo na minamaneho ni Neceforo Pulvinar, Jr., angkas ang misis na ihahatid sana sa trabaho.

Nagulungan si Pulvinar na naging sanhi ng kanyang pagkasawi, pero ligtas naman ang asawa niya. 

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng fire truck na si Fire Officer Mario Fuentes, Jr. 

Hinihintay pa ng awtoridad ang desisyon ng pamilya ni Pulvinar kung magsasampa ito ng kaso o makikipag-areglo.

—Ulat ni Chat Ansagay

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.