Bangkay ng lolo natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 04:19 PM

TANAUAN, Leyte — Isang bangkay ng lolo ang nakitang palutang-lutang sa Binahaan River sa bayan na ito, Linggo ng umaga. 

Ayon sa pulisya, kinilala ang biktima na si Eduardo Lipayon, 63, residente ng Barangay Binongtu-an sa Tanauan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tanauan police, dalawang araw nang nawawala ang biktima matapos na tumawid sa ilog kasama ang kapatid at tangayin ng malakas na agos ng tubig. 

Naaagnas na ang bangkay ni Lipayon nang matagpuan. 

Isinailalim naman sa autopsy ang bangkay ng biktima para matukoy at makumpirma ang ikinamatay nito.

—Ulat ni Ranulfo Docdocan 

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.