13 nahuling gumagamit umano ng pekeng travel authority sa Zambales

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 11:28 PM

Nasa 13 na biyahero ang nahuling gumagamit umano ng pekeng travel authorization sa isang checkpoint sa bayan ng Castillejos, Zambales nitong Sabado.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli sa national highway sa Brgy. Magsaysay ang mga suspek lulan ang isang puting van.

Papunta sana sila umano sa bayan ng Botolan.

Residente lahat ng Brgy. Lourdes, Angeles City, Pampanga ang mga nahuli.

Nagbabala si Police Col. Romano Velayo Cardino, director ng Zambales Provincial Police Office, na malaking multa ang ipapataw sa mga mahuhuling gumagamit ng pekeng travel documents sa lalawigan.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.