Umento sa sahod sa Cebu, inihirit

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2018 03:22 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naghain ang isang grupo ng manggagawa ng wage hike petition sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Central Visayas.
    
Hinihingi ng grupong Cebu Labor Coalition (CLC) ang P155.80 na dagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa lalawigan ng Cebu. 

Ayon sa tagapagsalita ng CLC na si Boboy Belarmino, hindi na sapat ang P366 na arawang minimum na sahod para sa mga karaniwang manggagawa.

Kumpiyansa ang grupo na tutugunan ng RTWPB ang kanilang hinihingi dahil nakalahad sa kanilang petisyon na ramdam na umano ang epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa mga presyo ng bilihin.

"The wage board will convene for this by first week of March siguro. So, after that, we deliberate," ani Cyril Ticao, OIC ng Department of Labor ang Employment-Region 7.

Marso 2017 nang huling magpatupad ng P13 na wage increase ang RTWPB. Isang taon pa ang bibilangin bago tumanggap ng panibagong wage hike petition, maliban na lang kung may mabigat na rason o 'supervening condition.'

--Ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.