40 bahay sa Navotas, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2018 01:31 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Courtesy of Michael Villafañe

Nasunog ang 40 na bahay sa Barangay Tanza, Navotas City Miyerkoles ng gabi.

Tinatayang nasa 80 na pamilya ang apektado sa sunog.

Ayon kay Supt. Crisfo Diaz, fire marshal ng BFP-CAMANAVA, sumiklab ang sunog pasado alas-8 p.m.

Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials.

Umabot ang sunog sa Task Force Alpha at naapula ito pasado alas-10 p.m.

Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi at pinsala sa sunog. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.