3 'tulak' ng marijuana, arestado sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2018 05:06 AM | Updated as of Mar 01 2018 05:18 AM

Larawan kuha ng QCPD Station 4

Arestado ang isang mag-live-in partner at kanilang kaibigan sa ikinasang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Nasamsam mula sa mga suspek ang kilo-kilong halaga ng marijuana na nagkakahalaga ng P400,000.

Ayon kay Senior Insp. Dennis Francisco ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nakipagtransaksiyon sila sa mga suspek sa pamamagitan ng social media.

Ginawa ang palitan ng marijuana sa inuupahang bahay ng mga suspek.

Giit ni Francisco, big-time na tulak ang isa sa mga nahuli.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.