2 lalaki nakitang patay sa kalsada sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2018 08:01 AM

MANILA - Natagpuang patay ang 2 hindi pa nakikilalang lalaki sa Kingsborough Street sa Barangay Panghulo, Malabon ngayong Huwebes.

Ayon sa mga pulis, rumoronda sila sa madilim na bahagi ng daan nang makita ang mga bangkay na may mga tama ng bala at may tali sa leeg.

Hindi naman mamukhaan ng mga barangay official ang 2 lalaki kaya posible anilang dayo ang mga ito. 

May napatay na rin anila ilang taon na ang nakalipas sa parehong kalsada kung saan walang nakatayong bahay. 

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.