Truck driver, tinangkang manaksak ng balisong sa road clearing

Dennis Datu, radio DZMM

Posted at Mar 01 2017 10:10 AM

Isang truck driver ang inaresto matapos ang tangkang pananaksak ng balisong sa miyembro ng clearing team ng Department of Public Works and Highways (DPWH) and Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Road 10, Maynila Miyerkules ng umaga.

Ayon sa paunang ulat, inihagis ng truck driver ang balisong sa loob ng isang golf course matapos lumaban sa mga miyembro ng DPWH at MMDA.

Itinanggi ng truck driver na tinangka niyang saksakin ang miyembro ng road clearing team.

Giniba ng road clearing team ang mga barong-barong ng ilang residente na nawalan ng tirahan dahil sa road widening sa Road 10.

Ayon sa mga awtoridad, kailangan nang linisin ang kalye para madaanan ito ng mga sasakyan. Umaabot sa apat na linya ng kalsada ang sinakop ng informal settlers sa Road 10.