Trak at kagamitan, sinunog ng armadong grupo sa Agusan at Butuan

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2017 11:53 AM

Courtesy of Bryan Galaraga

Sinunog ng armadong mga lalaki ang container van na puno ng kargang saging ng kompanyang SUMIFRU sa Purok Kawayan, Brgy. Sta. Cruz, Rosario, Agusan del Sur, Martes ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, pinaniniwalaang mga miyembro ng New People's Army (NPA) ang responsable sa pangyayari.

Ayon sa Rosario Police, tinutukan at pinababa ang driver bago pa man sunugin ang container van.

Samantala, isang backhoe ang sinunog rin ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa quarry site sa Sitio Kauswagan, Brgy. Bit-os, Butuan City, Martes ng umaga.

Ayon sa mga saksi, agad na umalis sa lugar ang mga nasa pito hanggang labindalawang armadong lalaki matapos ang pangyayari.

Courtesy of Butuan Police Station-1
Courtesy of Butuan Police Station-1
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.