PANOORIN: Taxi nagliyab sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2017 08:55 AM | Updated as of Mar 01 2017 08:57 AM

Nagliyab ang isang taxi sa kanto ng EDSA northbound kanto ng White Plains Avenue, Miyerkules.

Ayon kay Alex Andao, drayber ng nasunog na taxi, patungo siya ng Katipunan Avenue sakay ang isang pasahero nang biglang umusok ang harapan ng taxi, at sinunandan na ito ng pagliyab.

Nakababa naman ang tsuper at pasahero mula sa taxi na may plakang UWA-674.

Batay sa monitoring ng MMDA Metrobase, bandang alas-6:25 ng umaga nang magliyab ang taxi at naapula ito bandang alas-6:40 ng umaga.

Nagdulot ng pagsisikip sa trapiko ang insidente sa nabanggit na bahagi ng EDSA northbound, na umabot pa hanggang sa Guadalupe sa Makati ang buntot.

Inaalam pa rin ng Bureau of Fire Protection ang dahilan ng pagliyab ng taxi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.