Kotse, tumagilid sa Kalayaan Avenue

Jeffrey Hernaez, DZMM

Posted at Mar 01 2017 10:47 AM

Dalawa ang sugatan matapos na sumalpok sa center island at tuluyang tumagilid ang isang kulay gray na Honda Civic sa may Kalayaan Avenue patungong Elliptical Road sa Quezon City Miyerkules.

Wasak ang unahan at kaliwang bahagi ng sasakyan na may plakang ZBF 390.

Sa lakas ng impact, nadurog din ang bahagi ng center island.

Dinala na sa East Avenue Medical Center ang dalawang hindi pa nakikilalang driver at kasama nito na kapwa nagtamo ng minor injuries.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng Honda Civic at sumalpok sa center island. DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.