Fr. Robert Reyes, bumisita kay De Lima

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2017 05:09 PM

Binisita ng aktibistang paring si Fr. Robert Reyes si Senator Leila de Lima na kasalukuyan nakadetine sa Philippine National Police custodial center sa Camp Crame Miyerkules.

Kasamang bumisita ni Reyes ang ilan sa mga miyembro ng staff ni De Lima.

Bago pumasok sa custodial center, nagbigay ng maikling mensahe si Reyes, kung saan ipinaalala niya ang mensahe ng Ash Wednesday.

"Tayo po ay huwag munang mag-ingay. Pumasok muna tayo sa ating kalooban, at kung ano 'yung kailangang linisin, linisin natin, dahil lahat po tayo makasalanan. Lahat, without exception, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamaliit, makasalanan. At lahat ay babalik sa alabok kaya kapag hindi po natin nakita ang pagkakasala natin, hindi tayo humingi ng tawad, ay hindi tayo matutulungan umusad," aniya.

Nauna nang dumalaw kay De Lima si Commission on Human Rights (CHR) Chair Chito Gascon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.