CAGAYAN DE ORO - Nagsindi ng kandila ang mga mamamahayag ng Cagayan de Oro at Misamis Oriental bilang suporta sa franchise renewal ng ABS-CBN sa ABS-CBN Complex, Macapagal Drive nitong Biyernes.
Hiling din nila na ibasura ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Bukod sa mga kasapi ng media, dumalo din sa candlelight at ginawang programa ang mga human rights advocate, relihiyosong grupo at ang visual artist na si Nick Aca.
Ipinakita ni Aca na nakapulupot sa kanyang katawan ang mga ribbons na kulay ng ABS-CBN at bitbit nito ang dalawang plastic cups habang isinasalin ang tubig bilang simbolo ng transparency.
Ito ang unang beses na nagsagawa ng Black Friday Protest ang grupo sa harap ng ABS-CBN complex sa Cagayan de Oro.
" ‘Yung panawagan namin is sana they join us sa ating call for the renewal of the franchise kasi kung hindi po ma-renew yung franchise ng ABS-CBN, this will have a chilling effect sa all media community sa nation. ‘Yung ABS-CBN is like a model o parang hallmark na po siya ng media community sa nation so parang mahihirapan po tayo nun kung hindi s’ya ma-renew at our democratic space will get smaller for sure," ani Pamela Orias, chairman ng National Union of Journalists of the Philippines - Cagayan de Oro chapter.
Bukod sa Cagayan de Oro, parehong protesta din ang isinagawa ng mga miyembro ng midya sa General Santos City, Zamboanga City at Davao City.-Ulat ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog News, Regional News, ABS-CBN Franchise, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, National Union of Journalists of the Philippines