Higit 20 bahay naabo sa Cagayan de Oro; P1-M halaga ng ari-arian nasira

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 07:01 PM | Updated as of Feb 29 2020 07:22 PM

Naabo ang higit 20 bahay sa Barangay 18, Cagayan de Oro sa isang pagsiklab Biyernes ng gabi. Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News


CAGAYAN DE ORO—Natupok ang higit 20 bahay sa Barangay 18 sa isang malawak na pagsiklab sa lungsod na ito Biyernes ng gabi.

Sa kabila ng mabilis na pagresponde ng mga bumbero, daling naabo ang mga bahay dahil bukod sa dikit-dikit gawa halos sa light materials ang mga ito.

Umabot sa ikaapat​ na alarma ang sunog bago it naapula.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilyang Mahinay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog, na tinatayang umabot sa higit isang P1 milyon ang danyos.

Napilitan naman tumira sa barangay hall ang mga apektadong pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.