Drug suspect sa Maguindanao patay sa engkwentro

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 04:52 AM

Patay ang isang drug suspect sa buy-bust operation ng mga awtoridad na nauwi sa shootout sa Buluan, Maguindanao nitong Huwebes.

Kinilala ng Buluan Police ang napatay na si Jomer Biang samantalang nahuli rin nila ang kasamahang drug suspek na si Buhari Dimasangkay.

Narekober sa operasyon ang isang caliber .45 na baril, mga bala, pakete ng pinaniniwalaang ilegal na droga, at 2 motorsiklo.-Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.