Abogado sa Nueva Ecija pinaslang sa loob ng kaniyang law office

ABS-CBN News

Posted at Feb 29 2020 03:59 PM


TALAVERA, Nueva Ecija — Patay ang isang abogado matapos siya paulanan ng bala sa loob mismo ng kaniyang law office sa Barangay Poblacion Sur dito sa bayan Biyernes ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Bayani Dalangin, 73.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng kaniyang law office ang biktima nang biglang pumasok ang salarin at pagbabarilin ito. 

Ayon kay Police Col. Victor Leon Rosette, provincial director ng Nueva Ecija Police, nagsasagawa na sila ng follow-up investigation sa nangyaring krimen. 

"Tinitingnan po natin iyong mga naging kasong hinawakan or hinahawakan ng ating attorney. Baka may makuha po tayong magandang information doon at mag-iimbestiga po tayo about dun," aniya. 

Nakausap na rin ng pulisya ang mga posibleng witness sa insidente. May mga nakalap na ring CCTV footage na makatutulong sa paglutas ng kaso.


—Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.