PatrolPH

3 mananaya, napanalunan ang kabuuang P86 milyong premyo sa lotto

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2023 11:45 AM

alt

MANILA — Tatlong masuwerteng mananaya ang uuwing milyonaryo matapos manalo sa 2 Lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes.

Solong napanalunan ng isang mananaya ang premyong P75.2 million matapos matamaan ang jackpot ng 6/55 Grand Lotto na may winning combination na 09-08-05-01-30-52.

Paghahatian naman ng 2 mananaya ang P11.6 milyong jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto. 25-04-11-35-15-09 ang naging winning combination ng nasabing palaro. 

Sa Miyerkoles inaasahang magkakaroon muli ng draw para sa 6/45 Mega Lotto at 6/55 Grand Lotto.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.