PatrolPH

Mini bus nahulog sa tulay sa Cavite; 31 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2022 12:45 PM

Isang bus ang nahulog sa tulay sa Ternate, Cavite. Screengrab mula kay Janice Diones Gonzales
Isang bus ang nahulog sa tulay sa Ternate, Cavite. Screengrab mula kay Janice Diones Gonzales

Tatlumpu't isa ang sugatan matapos mahulog sa tulay noong Linggo ang isang mini bus sa Ternate, Cavite.

Sa imbestiasyon ng Ternate rescue unit, galing sa swimming ang magkakaibigang sakay ng mini bus at pauwi na nang mangyari ang aksidente. 

Nawalan umano ng preno ang bus, dahilan para mahulog ito sa Capayas Bridge.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng bus, na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.