PatrolPH

Bata patay sa sunog sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2021 12:33 PM

Bata patay sa sunog sa Davao Oriental 1
Aabot sa 5 bahay ang natupok sa Lupon, Davao Oriental noong Pebrero 26, 2021. Contributed photo

Isang bata ang namatay habang 2 senior citizen naman ang nasugatan sa sunog sa isang residential area sa bayan ng Lupon, Davao Oriental.

Isang 7 taong gulang na babae ang nasawi sa sunog na tumama sa Barangay Don Mariano Marcos bandang alas-3 ng madaling araw noong Biyernes, ayon sa mga awtoridad.

Limang bahay ang natupok sa insidente.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa pag-overheat ng naka-charge na cellphone.

Aabot sa P250,000 ang halaga ng pinsala sa ari-ariang iniwan ng sunog.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.