P3.2M halaga ng ‘shabu’ nasabat sa Bulacan; 3 lalaki, arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 05:49 AM

BULACAN - Inaresto ang 3 lalaki na nakuhanan ng ng nasa P3.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa Barangay Santol, Balagtas nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga suspek, dati na silang nakulong dahil sa paggamit ng droga ngunit dahil sa hirap ng buhay nagbalik sila bilang drug courier sa kawalan ng mapapasukang trabaho. 

Dalawa sa kanila ay nasa drugs watchlist.-Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.