Magkapatid tiklo sa pamamaril sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 12:55 AM

ILOCOS SUR - Kalaboso ang magkapatid na sina alyas Tony at alyas Ben matapos barilin umano ang isang lalaki sa Barangay Nanerman, Sto. Domingo nitong Martes ng gabi.

Sumuko si alyas Tony na siyang namaril habang nahuli sa hot pursuit operation ang kapatid na si alyas Ben sa kalapit na barangay.

Ayon kay Police Capt. Christopher Ramat ng Sto. Domingo Police, alitan at paghihiganti ang pangunahing pinag-aaralang motibo ng mga pulis.

Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang suspek na hahainan ng reklamong frustrated murder.
 
Nasa intensive care unit pa ng isang pribadong ospital ang biktimang si Joel Tagudar na may tama sa dibdib at tiyan.-Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.