Chinese national patay sa pamamaril sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 05:52 AM | Updated as of Feb 28 2020 06:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang Chinese national sa isang restaurant sa N. Garcia st., Barangay Bel Air nitong Huwebes ng gabi. 

Kinilala ang biktimang si Yin Jian Tao, 33 anyos, na nakitang nakahandusay ang katawan kasama ang isa pang biktimang sugatan na si Zheng Kai, 25 anyos.

Nahuli naman ng mga pulis ang dalawa sa tatlong mga suspek na sina Yang Chao Wen, 32 anyos at Liang Yuan Wu, 29 anyos, at nakuhanan ng bag na naglalaman ng P345,000 mula sa biktima. 

Nakuha rin ang isang baril mula sa nakatakas na suspek.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, pagnanakaw ang tinitignan nilang motibo sa insidente at kakasuhan nila ang mga nahuling suspek ng robbery with homicide. Pinaghahanap na rin nila ang nakatakas na suspek.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.