Bagong hepe ng CIDG Bacolod, arestado dahil sa pangingikil

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 01:28 AM | Updated as of Feb 28 2020 07:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

BACOLOD CITY - Arestado sa isinagawang entrapment operation ang bagong hepe ng police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Huwebes.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo ng pangingikil laban kay Police Major Melvin Madrona.

Ayon kay Bacolod City Police Office Director Police Colonel Henry Biñas, hinuli si Madrona nito lang Huwebes ng hapon at kasalukuyang iniimbestigahan sa Investigation Section ng Negros Occidental Police Provincial Office.

Hindi pa tukoy kung magkano ang halaga ng perang nabawi umano sa pulis sa entrapment operation.

Lumalabas rin sa records ng Quezon City Police District na noong Marso 2017 ay inireklamo rin si Madrona ng isang motorista matapos umanong bugbugin ng pulis dahil sa away-trapiko sa Quezon City.

Dahil dito ay nasibak sa puwesto si Madrona at nito lang Enero ay itinalaga bilang hepe ng CIDG sa Bacolod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.