3 lalaki timbog sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 04:34 AM

Arestado ang 3 lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Balon Bato, Quezon City nitong Huwebes ng gabi. 

Ayon kay Police Cpl. Raymark Paligutan ng Quezon City Police District Station 3, isa sa kanilang mga naaresto ay target ng kanilang operasyon. 

Nakuhanan ang mga suspek ng 16 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 12 gramo at nagkakahalaga ng P81,000.

Walang trabaho ang mga suspek at aminadong nagtutulak ng ilegal na droga para may pambili umano ng pagkain.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.