1 patay sa salpukan ng tricycle, motorsiklo sa Butuan

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 11:16 AM

Nagtamo ng head injury ang driver ng tricycle na nagresulta sa kaniyang pagkamatay. Larawan mula sa Butuan City Police Office

BUTUAN CITY – Isa ang patay habang isa rin ang sugatan sa salpukan ng tricycle at motorsiklo sa South Montilla Boulevard, Barangay JP Rizal, Huwebes ng umaga.

Patay ang driver ng tricycle na nakilalang si Rommel Tadifa, 60, matapos magtamo ng head injury.

Nagpapagaling naman sa ospital ang driver ng motorsiklo na hindi na muna pinangalanan habang wala pang kasong isinasampa laban sa kaniya.

Paliko sa U-turn slot ang tricycle nang masalpok ito ng motorsiklo na mabilis ang takbo. Sa lakas ng pagkabangga, bumaliktad ang tricycle at naipit pa ang ulo ng driver nito na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.