Sanggol natagpuang patay sa balon sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 04:30 PM

DAVAO CITY - Natagpuang patay ang isang bagong panganak na sanggol sa isang balon na walang tubig sa lungsod nitong Miyerkoles ng hapon.

Akala ng residenteng si Merlisa Cesneros na manika ang kaniyang nakita pero nakakita sila ng dugo at may pusod rin ang bata.

Ayon sa mga residente, maaaring Miyerkoles ng madaling araw itinapon ang bata dahil maingay ang mga aso.

Naglunsad ng imbestigasyon ang barangay at pulisya sa pagkakakilanlan ng responsable sa pagtapon ng bata.

"Sa ina at ama ng bata sana makonsensya kayo, kumpleto ang bata, healthy ito, sana ibinigay nyo na lang dahil marami ang gusto magka-baby," ani barangay administrator Rhodissa Ladesma.

Dinala na sa punerarya ang bata at ipapalibing ito ng barangay.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.