Lalaking may kasong rape, huli matapos kumuha ng police clearance sa Makati

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 05:49 AM | Updated as of Feb 28 2019 10:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA--Arestado ang isang lalaki na may kasong rape matapos kumuha ng police clearance sa Makati City Miyerkoles ng hapon.

Nahuli si Marlon Ulep matapos ang 4 na taong pagtatago. May nakabinbing warrant of arrest sa Imus, Cavite, laban sa kaniya dahil sa kasong rape.

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi inakala ng suspek na may record ang pulis sa Makati kaya naglakas-loob siyang kumuha ng police clearance na gagamitin sana niya sa pag-apply ng trabaho.

Hindi alam ni Ulep na centralized ang pangalan ng mga indibiduwal na may kaso sa pamamagitan ng kanilang database na kung tawagin ay e-warrant.

Nasa kustodiya ngayon ng Makati police ang suspek habang inabisuhan na ang Imus police sa pagkahuli ni Ulep.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.