Barangay captain, patay sa pamamaril

Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 05:44 PM

Papuntang munisipyo ang biktima nang barilin ng 'di pa tukoy na mga salarin. Larawan mula sa San Luis Municipal Police Station

SAN LUIS, Agusan del Sur - Patay ang isang Barangay Captain ng San Pedro sa nasabing bayan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin, Miyerkoles ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagmamaneho ng motorsiklo si Rubencio Salamorin nang barilin sa Purok Uno, Barangay Alejandro.

Galing ng bahay ang biktima at papunta sanang munisipyo ng San Luis upang dumalo sa meeting nang siya ay mabaril.

May tinitingnan nang person of interest ang awtoridad pero hindi muna nila ito pinangalanan habang patuloy pa ang imbestigasyon. 

Kabilang sa iniimbestigahan ng pulisya na may kinalaman sa krimen ay ang miyembro ng New People’s Army.

Base sa eksaminasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng tama ng bala sa likod ang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.