3 patay, 1 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 09:45 PM

KORONADAL CITY - Tatlo ang patay habang kritikal ang isa pa sa salpukan ng dalawang motorsiklo dito sa siyudad Miyerkoles ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng traffic management unit, nagkasalubong ang dalawang motorsiklo sa Barangay Sto. Niño nang mawalan ng kontrol ang mga drayber nito.

Lumalabas na parehong nakainom ng alak ang mga drayber ng dalawang motorsiklo.

Sa lakas ng banggaan, dead on the spot ang tatlong lalaki habang nasa kritikal na kondisyon naman ang isa pa.

Paalala ng awtoridad na iwasan ang pagmamaneho kapag nakainom ng alak para makaiwas sa disgrasya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.