Trak, inararo ang mga concrete barrier sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 05:27 AM

Dennis Datu, ABS-CBN News

Wasak at nagkalat ang mga concrete barrier sa Quirino Highway sa Barangay Baesa, Quezon City matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck Miyerkoles ng hatinggabi.

Ayon sa drayber ng trak na si Elvin Delos Santos, natamaan niya ang mga concrete barrier matapos siyang umiwas nang biglang huminto ang kotse sa harapan niya.

Salungat naman ito sa pahayag ni Khalifa Rakim, deputy barangay public safety officer ng Barangay Baesa.

Ayon kay Rakim, mabilis umano ang takbo ng trak na pagmamay-ari ng Western Pacific Transport Services.

Galing sa Rizal ang trak at pauwi na sa Sta. Quiteria, Caloocan matapos magdeliver ng mga bakal.

Wala namang nasaktan sa aksidente pero pababayaran sa drayber ang mga nasirang concrete barrier. - Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.