Taxi, sumalpok sa center island sa Pasay

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 05:06 AM

Sumalpok ang isang taxi sa center island ng Domestic Road, Pasay City Martes ng gabi.

Sugatan ang drayber ng taxi at ang sakay nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana sila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 nang mangyari ang aksidente.

Bumangga rin ang taxi sa isang trak ng cargo company.

Ayon sa drayber ng trak, galing siyang NAIA Terminal 3 para maghatid ng mga bagahe nang bigla siyang binangga.

Aniya, nakatulog umano ang drayber ng taxi.

Iniimbestigahan na ng otoridad ang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.