Presyo ng LPG, tatapyasan simula Huwebes

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 07:27 PM | Updated as of Feb 28 2018 09:39 PM

Tatapyasan ng ilang kompanya ang presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) products sa Huwebes, Marso 1.

Inanunsiyo ng Petron Corporation na babawasan nito ng P1.65 ang presyo kada kilo ng gasul at fiesta gas.

Nasa P0.90 naman ang ibabawas sa presyo kada litro ng auto-LPG.

Epektibo ang mga ipinataw na bawas ng Petron simula hatinggabi.

Nasa P1.64 naman ang tapyas ng Solane sa presyo kada kilo ng LPG simula alas-6 ng umaga.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.