'Most wanted' sa Makati arestado sa robbery, homicide

Raffy Santos, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 03:37 PM | Updated as of Feb 28 2018 09:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Naaresto ng mga pulis Miyerkoles ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang call center agent sa Palanan, Makati noong Hulyo ng nakaraang taon.

Nahuli ng Makati police si Allein Hussein Berbera sa Oplan Sita sa Bluevoz Street. Itinuturing siyang "most wanted person" ng pulisya sa siyudad, lalo't halos isang taon din itong nagtago. 

Si Berbera ang umano'y lalaki sa motorsiklong nagnakaw at bumaril sa call center agent sa labas ng tinutuluyang apartment noong Hulyo 4, 2017. 

Narekober sa suspek ang isang kalibre .38 na revolver, bala at iba pang gamit, pati ang listahan ng pangalan at address ng umano'y kaniyang mga balak biktimahin.

Nahaharap si Berbera sa dalawang patong na kaso ng robbery with homicide. 

Nananawagan naman ang pulisya sa iba pang posibleng nabiktima noon ng suspek na lumutang at magsampa ng kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.