Mangangalakal, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 04:22 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sampaloc, Maynila Martes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala si Jon Jon Manawis sa dibdib at singit.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang pamamaril sa tapat mismo ng isang kainan sa Maceda St.

Tikom naman ang bibig ng mga empleyado ng kainan.

Palaisipan naman sa pamilya ni Manawis ang motibo sa pamamaslang.

Nagtatrabaho bilang mangangalakal ang biktima at minsan suma-sideline bilang parking boy.

"Walang kaaway 'yan. Hindi rin nagbibisyo," ayon sa tiyahin nito. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.