Kagawad, patay sa pamamaril sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 05:39 AM

Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin sa Barangay Torres, Mapandan, Pangasinan Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Rodriguez, 76-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kakauwi lang ng biktima mula sa palengke nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin pasado alas-7 p.m.

Naitakbo pa sa ospital si Rodriguez pero binawian din ng buhay.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala mula sa hinihinalang kalibre .45 na baril.

Palaisipan pa sa pamilya at mga pulis ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni John Germono, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.