Grade 11 student, natagpuang patay sa dalampasigan ng Borongan

Melanie Bingco, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 03:30 PM | Updated as of Oct 18 2018 06:36 AM

Patay na nang matagpuan ang isang 17 taong gulang na lalaki sa dalampasigan ng Barangay Bato sa Borongan City, Eastern Samar Martes ng umaga.

Ayon sa report mula sa Eastern Samar Police Provincial Office, nasa ika-11 baitang sa Eastern Samar National Comprehensive High School ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na Lunes ng hapon huling nakitang buhay ang biktima. Nakipaginuman umano ito sa kanyang mga kaibigan sa beach resort bago lumangoy sa dagat.

Isa sa mga kasama ng biktima ang sinubukang tulungan ito ngunit maging siya ay inanod ng tubig.

Sinubukan pang hanapin ng rescuers ang katawan ng biktima matapos ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.