Buntis at 7 iba pa, huli sa aktong gumagamit ng droga

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 03:22 AM | Updated as of Oct 17 2018 06:25 AM

Arestado ang 8 katao, kabilang ang isang buntis, sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City Martes ng gabi.

Narekober sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,000, isang weighing scale, at ilang drug paraphernalia.

Target ng operasyon si alyas Ethel, 50 anyos, na umano'y sangkot sa pagtutulak.

Naaktuhan siya at 7 iba pa na gumagamit ng droga.

Kasama sa mga nahuli ay isang babae na 2 buwan buntis.

Ayon sa pulisya, pugad umano ng droga ang paupahang bahay.

Pangalawang beses na umanong sinalakay ito pero 'di pa rin natigil ang bentahan ng droga.

Mahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.