2 patay matapos umanong manlaban sa pulis sa Pasig

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 04:41 AM | Updated as of Oct 17 2018 06:37 AM

Patay ang 2 lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Pasig Miyerkoles ng hatinggabi.

Dead on the spot si Kimron Fontejon habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng kaniyang kasamahan.

Narekober mula sa kanila ang 10 sachet ng hinihinalang shabu at 2 baril. 

Ayon kay Senior Supt. Orlando Yebra Jr., hepe ng Pasig police, nakaramdam umano ang mga suspek na pulis pala ang katransaksiyon nito.

Nangyari ang buy-bust sa madilim na bahagi ng West Bank Road pasado alas-12 a.m.

Nagpaputok umano ng baril ang mga suspek at nauwi sa engkuwentro.

Ayon kay Yebra, nasa drugs watchlist ng PNP si Fontejon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.