2 Canadian hinatulan ng habambuhay na kulong dahil sa shabu

Zen Hernandez, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 05:10 PM | Updated as of Oct 31 2018 09:48 AM

MAYNILA - Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang dalawang Canadian na nahulihan ng kitchen-type drug laboratory sa Bonifacio Global City noong 2014. 

Guilty sa possession of shabu ang mga salarin na sina James Riach at Ali Shirazi. Bukod sa pananatili sa kulungan, pinagbabayad din ni Makati Regional Trial Court Branch 63 Judge Selma Alaras ng P500,000 na danyos ang dalawa. 

Dinala na sa himpilan ng Makati police Miyerkoles ng umaga ang dalawang banyaga para ipa-medical bago tuluyang ipasok sa kulungan.

Tumanggi naman silang magbigay ng pahayag dahil wala silang abogado nang dumating sa pulisya. Kamag-anak lamang ang sumama sa kanila sa presinto. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.