12 dolphin napadpad sa baybayin ng Manila Bay

Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2018 06:51 PM | Updated as of Dec 19 2019 01:03 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nailigtas ng awtoridad ang 12 dolphin na napadpad sa bahagi ng Manila Bay sa likod ng isang kilalang hotel at casino, Miyerkoles. 

Inalalayan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Philippine National Police Maritime Group ang 12 dolphin pabalik sa laot. Nakunan ng video sa mobile phone ang mga ito. 

Watch more in iWantTFC

Unang nakita ng PNP Martime Group ang mga dolphin at tinangka nila itong gabayan pabalik sa laot. Pero tumawag na sila sa BFAR nang hindi nila mapaalis ang mga ito. 

Ayon sa BFAR, posibleng may maliliit na isdang pagkain na nakita ang lemon head dolphins sa lugar, o kaya'y lumayo sila sa mga barko nang magkaproblema ang kanilang sonar.

Delikado anilang magtagal malapit sa baybayain ang mga dolphin, lalo't maraming basura sa bahaging iyon ng Manila Bay na maaaring makain ng mga ito at ikamatay. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.